Lyrics
'Di na alintana ang paligid
Sa 'yo lang nakabaling ang tingin
Nang ika'y dumating
Aking mata'y binihag mo rin
Nakatanim mga ngiti mo sa 'kin
Tila sining sa tuwing nakamasid
Nang ika'y dumating
Pananaw ko ay nabago na rin
'Di ko akalain na
Ako'y muling maniniwala
Sa pag-ibig na gan'to
Nang ika'y dumating sa aking munting mundo
Sinasalubong natin bawat gising
Umaapaw ang kilig at ang damdamin
Nang ika'y dumating
Buhay, nagkakulay na rin
'Di ko akalain na
Ako'y muling maniniwala
Sa pag-ibig na gan'to
Nang ika'y dumating sa aking munting mundo
(Nang ika'y dumating) tila naglaho ang dilim
(Nang ika'y dumating) sa wakas, napasaakin
Ang ligayang kay tamis
Sana'y 'wag nang umalis sa aking piling
Oh, nawa ay manatiling
Sa isa't isa ang ating pagtingin
Nang ika'y dumating
Langit ay aking narating
Lyrics powered by www.musixmatch.com