Lyrics

Simulan natin ang 25 hawak ko nu'ng ako'y nangarap Mga kapatid na aso, ako'y niyakap Nilawayan upang 'di na bumuka ang tarak At humarang sa mga ayaw na magpaawat Binuksan ang pintuan ng tahanan nila't ako'y pinatuloy Maginaw, sinindihan ang apoy Walang taguan ng baraha, maglaro man ng pusoy Maluwag ang huminga kahit na ano pa'ng amoy Kilala namin ang isa't isa Kahit na kapaligira'y mag-iba Buo't barya, lagi kaming may paninda Sagot kita ano man ang tanong nila Alisin na sa usapan ang korona at trono Isa lang ang may karapatan, ayoko Kahit kung minsan, ako ay tila ba wala sa tono Aawit pa rin kapag pinasabay sa koro ng todo Pumalag sa agos, kami nakatawid Sumabay sa alon, kami ang nanaig Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli Hindi napagod, kaya kami nakarating Pumalag sa agos, kami nakatawid Sumabay sa alon, kami ang nanaig Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli Hindi napagod, kaya kami nakarating (para bang sumakay ka sa tangke) Sinargo ang parada, palaruan, inangkin Walang babala sa delubyong dumating Namulat ang madla sa talas ng patalim Nagliyab ang entablado, alam mo sino nagsindi Ginawang araw ang gabi Mga pagkakataon ay pinagtahi-tahi Dugo't pawis ang alay kada ambag, kada tari Buwis-buhay kada lapag, kada lagari Giyera kung giyera sa'n man ang puwesto Asahang dala namin ang krudo para sa puso Taas bandera, taas kamao Sabay nating buhatin ang bigat ng mundo Sumuntok sa buwan at naging tala si Juan Salamat kay Bathala, siya'ng bahala, siya nawa '97 hanggang kasalukuyan Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan Pumalag sa agos, kami nakatawid Sumabay sa alon, kami ang nanaig Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli Hindi napagod, kaya kami nakarating Pumalag sa agos, kami nakatawid Sumabay sa alon, kami ang nanaig Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli Hindi napagod, kaya parang baga na hinipan Siguradong aapoy, 'di mahina Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina Kapag tumatagal, umiinit ang makina Sinasakal, 'di mapipigil ang paghinga Akin na Laging lagyan ng laman ang balde 'Di nababasa kahit na umanggi Kulang ang sabi-sabi kapag kami pinagtabi Darating agad-agad, lalapag araw o gabi Tila musika sa tenga, parang kamot sa kati Ako ay tagahanga na pinagpala Nakamit ang pangarap na walang daya 'Di mahirap sa amin ang magpaubaya Bitawan ang galit upang tayo'y lumaya Kahit sa malayo ang sadya Hindi nanghina ang pagpadyak Kahit na sa laot inulan Tuloy-tuloy lang ang pagsagwan Kahit na matayog ang lipad Mga paa'y sa lupa, naglalakad Laging uhaw sa pakikipagdigma Kaluluwa'y busog sa biyaya Pumalag sa agos, kami nakatawid Sumabay sa alon, kami ang nanaig Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli Hindi napagod, kaya kami nakarating Pumalag sa agos, kami nakatawid Sumabay sa alon, kami ang nanaig Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli Hindi napagod, kaya kami nakarating Parang baga na hinipan Siguradong aapoy, 'di mahina Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina Kapag tumatagal, umiinit ang makina Sinasakal, 'di mapipigil ang paghinga Akin na
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out