Lyrics

Lilingunin, sabay ibabaling ang ulo Sa ibang direksyon Sisilip ulit, sabay nakaw ng tingin Baka sakaling ako'y iyong mapansin Kay ganda naman na pagmasdan Ang iyong mga ngiti at matang naniningkit Ako'y iyong naaakit sa 'yong boses Na parang anghel, umaawit Oh, nahulog na sa iyo Oh, tinamaan nang husto sa 'yo Nahulog na ang puso ko sa iyo Walang halong bola, mahal na kita Oh, mahal na kita Ngayon mamahalin, 'di dahil sa panlabas Na nakita ko sa iyo Ika'y tatanggapin kahit ano pa'ng makita Ikaw ang pinakamaganda 'Di magsasawa kang kausap Lalo kang gumaganda sa masaya nating usapan At mas lumalim ang aking pagtingin Nang masilayan, kagandahan mong hindi nakikita sa mata Oh, nahulog na sa iyo Oh, tinamaan nang husto sa 'yo Nahulog na ang puso ko sa iyo Walang halong bola, mahal na kita Nahulog ang puso ko sa iyo Walang halong bola, mahal na kita Oh, nahulog na sa iyo, whoa-oh, yeah Oh, tinamaan na sa iyo Mahal na kita
Writer(s): Jonathan Manalo, Akira Morishita Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out