Lyrics

Eto na ba ang huling mayayakap kita? Huling sulyap sa langit, sa pagbitiw ng mga ulap At sa bawat hakbang papalayo Luha ng paalam 'di maitago Sana mag-ingat ka, at salamat sa lahat Kahit sa 'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat Alaalang 'di akalaing mabubura pala Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa Mmm, mmm, mmm Mmm, mmm, mmm Kinabisa ang 'yong mukha at tamis ng huling halik Nag-aabang, humihiling, baka sakaling bumalik At sa pagtatapos nitong yugto Larawan ng kahapon ay itatago Sana mag-ingat ka, at salamat sa lahat Kahit sa 'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat Alaalang 'di akalaing mabubura pala Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo Dahan-dahang pumipiglas Mga huling salitang binibigkas Sana mag-ingat ka, at salamat sa lahat Kahit sa 'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat Alaalang 'di akalaing mabubura pala Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa (Mmm, mmm, mmm) maalala mo pa (Mmm, mmm, mmm) Mahal, mananatili ka sa 'king puso't alaala Mmm, mmm, mmm, 'di ka mawawala Mmm, mmm, mmm, maaalala ka Mmm, mmm, mmm Ngunit paalam na
Writer(s): Joshua Ortiz, Cabahug Iii Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out