Top Songs By Kimono on Fire
Lyrics
Gumising na wala sa oras
Buong gabi nagpapalipas
Sa alak at sa sobrang pag iisip
Sinuri ang aking sarili
Iniiwasang magsisisi
Sa mga pagpasyang gawin sa huli
Sa isip gusto kong limutin
Pero ang puso'y bilanggo parin
Naghahanap ng kasagutan
Sa pag-iisa
Napatingin sa mga bagay
Na sakin ay iyong ibinigay
Nababasa sa aking mga luha
Minsa'y napaisip
Sana'y di ka nalang nakilala
Oh
Sa bawat dinig ng iyong pangalan
Puso'y biglang nahihirapan
Ngunit ngayo'y natuto na
Sa ating mga pinagdaanan
Hawak ng bawat pirasong nagkalat
Sa aking isipan
Ang mga alaalang papakawalan
Alang-alang sa sariling kapakanan
Hahakbang pasulong
At hindi na muling lilingon
Sa ating nakaraan
Sadyang pumapait
Ang mga matamis na alaala
Oh
Ako'y minumulto ng iyong ngiti
At ng boses mong kasing lambing
Ngunit ang lahat ng ito ay
Kailangan ko ng bitawan
Hawak ng bawat pirasong nagkalat
Sa aking isipan ang mga alaalang
Pakakawalan
Alang-alang sa sariling kapakanan
Hahakbang pasulong
At hindi na muling lilingon
Sa ating nakaraan
Ayoko nang lumingon pa
Sa ating nakaraan
Oh oh oh
Sa ating nakaraan
Lyrics powered by www.musixmatch.com