Music Video

Hanggang Dito Na Lang Ba?
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Tootsie Guevarra
Tootsie Guevarra
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Kedy Sanchez
Kedy Sanchez
Songwriter

Lyrics

Unang-una sa lahat, nais kong magpasalamat Sa pag-aalaga mo sa isang katulad ko Na malapit nang iwanan ang mundo Di mo ko pinabayaan pilit mo kong pinaglaban sa karamdaman Na alam naman nating lahat na hindi na kaya pang lunasan Isa lang naman ang tangi kong hiling Kasama ka hanggang sa aking huling hininga Sapat na sakin nang malaman ko kung ga'no mo ko kamahal at kung gaano ko sayo kahalaga Pinatunayan mo hinding-hindi iiwan hanggang sa dulo nang pagsubok ngayon magpapaalam na Wag mo sanang pabayaan ang sarili, wag masyadong dibdibin hinding-hindi ako mawawala Nandito lang ako laging gumagabay hanggang sa makahanap nang lalaki sakin pwedeng ipalit Makita ko lang kayo na masaya ay masaya na akong harapin ating diyos na ama Pagkawala ko ay isang daan para kayo'y magkakilala dahil kayo ay itinadhana sa isa't-isa Matatamis na ala-ala, ang ngiti sayong mukha, mga araw na masaya kung pa'no ka mag-alala Lagi mo kong sinasamahan sa hirap man o ginhawa kahit gaano kalungkot nakukuha mong mapatawa Heto ay isang awitin na pasasalamat para sa isang babaeng nagpahalaga ng buhay ko Ginawa nya ang lahat upang hindi ko madama napatapos na pala ang misyon ko sa mundo... Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako) Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako Mga luha'y punasan na (luha'y punasan na) Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata Paalam na mahaL... Salamat, patawad, patawad, salamat sa lahat ng sakripisyong naipakita mong ibinigay na kapalit Nang pagsira ko sa'ting sinumpaang mga pangakong walang iwanan Ngunit bakit ang kapalaran ay madamot sakin ay nakasimangot tanong ko kung ano ang dahilan Bakit kailangan na tuluyan nang magkalayo sa'ting dalawa tadhana ay mapaglaro Pinipilit kong lumaban pero ako'y nabigo at iniwanan na ang puso kong nagdurugo Kung maibabalik ko lang ang panahon at kaya kong patigilin ang oras kung san ako; Buhay Na tayong dalawa na magkasama pipilitin ko na kunan ang lahat nang pagkukulang ko sayo; Mahal Ikaw lang laging lakas nang loob upang tumayo At ipagpatuloy ang laban kahit na humantong sa hindi inaasahan na ikaw ay iwan ko Pero wala kong magawa subalit laging tanong bakit Karamdaman ko'y wala, bakit kapalaran ko ay pangit Mapait gustong magalit, sisihin ang langit kung bakit Naipit sa sitwayong hindi ko gusto na pinipilit kong takasan Ang kamatayang nakataning hinahagad na sa oras na nakatakdang mangyari at nangyari na't hindi ko naiwasan... Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako) Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako Mga luha'y punasan na (luha'y punasan na) Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata Paalam na mahaL... Maraming salamat sa lahat ng kaligayahang ibinahagi mo Sa buhay ko nung nakilala kita at nakasama ko sa isang pag-ibig Nagsumpaan sa isa't-isa walang iwanan Isang pangakong iningatan magpakailanpaman (magpakailanman) Kahit sa langit babaunin ko lahat ng magagandang ala-ala na'ting dalawa Nung tayo'y magkasama nangangarap at binubuo ang mga pinapanalangin ko Na matupad lahat nang mga kahilingan ko para sayo ay gagawin ko Patutunayan ko tapat at totoo itong pag-big buong buhay inilaban ko Ngunit kinakailangan ko nang magpaalam sa isang malungkot na dahilan Tungkol sa aking karamdaman na di na kayang lunasan Mataas ang mapait na kapalaran sa pag-ibig nating dalawa Pero wag kang mangamba ikaw lang ang nag-iisa at wala nang ibang babae na mas hihigit pa Katulad nang pag-ibig ko sayo kahit sa kabilang buhay ito ay aking dala-dala Pangalan mo ang sigaw kahit minsa'y naligaw itong damdamin ko At sana'y patawarin mo ako sa lahat nang kasalanan pagkakamaling nagawa ko sayo Mahal ako'y magpapaalam na at ang mundong ito ay lilisanin ko na Sa kalangitan ako ang magsisilibing bituin mo Laging nakatingin, nakabantay sayo san ka man makarating... Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako) Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako Mga luha'y punasan na (luha'y punasan na) Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata Paalam na mahaL... Nais kong magpasalamat sa taas at binigyan ako nang pagkakataong makausap ka Gusto kong mabalikan ang mga panahong at oras kung saan lumuluha ka nang mag-isa Gusto kong yakapin ka nang mahigpit para malaman mo na nandito lang ako mahal Na patuloy na gumagabay sayo kahit na binawian na ako nang poong maykapal Ang huling habilin ko sa lahat nang mga nagmamahal sa akin pakiusap walang iiyak Makita ko na sama-samang maligaya at ang kalungkutan ay mapalitan na nang galak Dahil ang paghihirap ko, paghihirap ko, paghihirap ko sa wakas ay natapos na Pero parang may kulang parang hindi pa dapat akong bumalik sa itaas Ibig ko lang magpaalam sa isang tao na lubusan kong nasugatan Mahal wag mong isipin na ika'y nag-iisa dadamayan kita kahit na ang mundo natin ay magkaiba Harapin mo na ang bukas maging matatag ka palagi ka sanang maging malakas At ang mga kabiguan na iyong dinanas wala namang uri nang lunas At salamat sa oras na sakin mo inilaan mahal paalam na... Hanggang Dito Na Lang... Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako) Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako Mga luha'y punasan na (luha'y punasan na) Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata Paalam na mahaL...
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out