Lyrics

Ikaw ang pinangarap Ikaw ang hanap-hanap Nguni't bakit nagbago ang lahat? Ang init ng pagmamahal parang naging salat Pangako habang-buhay Nangakong 'di magwawalay Nguni't ba't lumamig pagmamahal Parang 'di na ikaw sa Maykapal ang dinasal Ano'ng nangyari sa ating dalawa Akala ko noon, tayo ay iisa Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban? Sa pagsubok sa ating pagmamahalan Ano'ng nangyari sa ating dalawa Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na? Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan? Nasa'n ang sumpaan? Akala ko ay walang-hanggan Nguni't bakit ngayo'y nasasaktan Hanggang dito na lang ba ang ating walang-hanggan? Ano'ng nangyari sa ating dalawa? Akala ko noon, tayo ay iisa Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban? Sa pagsubok sa ating pagmamahalan Ano'ng nangyari sa ating dalawa Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na? Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan? Ano'ng nangyari?
Writer(s): Joven Tan Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out