Lyrics

Taglay mo sa bagwis ng 'yong paghayo Ang pangako ng walang-hanggang bukas Pabaon man sa iyo'y hapdi ng puso Aabutin ang pangarap At ang bunga ng wagas mong pagsisikap Katuparan ng 'yong pangarap Kapalit ng dalamhati't paghihirap Pag-angat ng kabuhayang marilag Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi, ah-whoa Tutularan ka ng sunod na salinglahi Kapuri-puring pag-aalay ng lakas Pagpupugay sa 'yo'y mananatili Tanggapin mo ang pagpapasalamat Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap mo na kay tagal (pangarap mo na kay tagal) minimithi Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit Kamtin mo sa dulo ng lahat ng 'yong pagpapagal Ang tamis na dulot ng 'yong tagumpay Ang tamis na dulot ng 'yong tagumpay
Writer(s): Arnel De Pano Nathanael Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out