Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Gloc-9
Gloc-9
Producer

Lyrics

Awit ka ng awit Awit ka ng awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka ng awit Awit ka ng awit Kahit walang pumapalakpak Madaming ulit kang madadapa Bumangon ka agad Mga mata mo na luhang-luha Sa lungkot ay nasagad Ilang beses man na mawala 'Wag kang mapagod maghanap Walang tigil kang tumataya Baka sakaling maganap Ang iyong pinakahihintay Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw At ang tanging alam mo lamang ay Walang pipigil sa 'yong lakad at galaw Basta't awit ka ng awit Awit ka ng awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka ng awit Awit ka ng awit Kahit walang pumapalakpak 'Di nila kailanman mararamdaman Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan Hindi sila kailanman mahahapdian Bawat hiwang sa paa, tipo na tinungtungan Dahil ang katunggali mo lang sa laban ay walang iba kundi ikaw At ang puwede mong maging kasalanan ay ang bumitaw at umayaw Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw Alang-alang sa pangarap mo Naalala ko pa dati, kulang ang pamasahe Wala ka pang hapunan, busog lang sa diskarte Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase Kahit 'di na nanalo, 'di ko batid ang talo Inipon ang lahat ng binigay sa 'king balato Kung saan-saan dumapo, buti na lang gala 'to Wala ka daw mararating 'pag 'di mo tsinaga 'to Kay daling sabihin, hindi madaling gawin Kailangan mong mahanap, pero bawal tumingin Kilalanin ang sarili mo kahit nasa dilim Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin Itutulak ka nila madalas pababa Papahiran ang lahat ng puwedeng dumi sa mukha Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura 'Pag kumita ka, sila pa ang unang nakakura Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho 'Wag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso Uso daw kasi kaya 'di ka napili Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi 'Pag 'di mo nagawa, iwasan mo ang manisi Ipahinga mo lang ang likod mo sa haligi Dahil ang katunggali mo lang sa laban ay walang iba kundi ikaw At ang puwede mong maging kasalanan ay ang bumitaw at umayaw Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw Alang-alang sa pangarap mo Basta't awit ka ng awit Awit ka ng awit (awit ng awit) Kahit walang pumapalakpak (walang pumapalakpak) Awit ka ng awit (awit ng awit) Awit ka ng awit Kahit walang pumapalakpak (kahit walang pumapalakpak) Awit ka ng awit (awit ng awit) Awit ka ng awit (awit, awit ka) Kahit walang pumapalakpak (kahit walang pumapalakpak) Awit ka ng awit Awit ka ng awit Kahit walang pumapalakpak
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out