Lyrics

Puwede bang balikan ang ating nakaraan? Puwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan? Tuwing nagdidilim, inaasahan na sa 'yo 'ko uuwi Pero hindi na pala Bawat mong hiling, piraso ng damdamin ko ang kapalit Kaya ngayo'y walang-wala Dahil hindi na tayo, wala na ang pangako Ang panalangin ko'y laro lang ba sa 'yo? Akalang 'tinadhana, bigla-biglang nagsawa Isang iglap, nag-iisa ako Mata na lang ang nangungusap 'Di na makakilos, 'di na matanaw ang bukas Tanikala ng nakalipas Ang nakalulunod, ano ba'ng makakalunas? Puwede bang balikan ang ating nakaraan? Puwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan? Ay 'di na lang umpisahan Ay 'di na lang Sadya ngang sa huli, pagsisisihan ang lahat ng nagawa Kung puwede lang ay ibabalik muli sa dati Buburahin ang araw na ika'y nakilala Kung kailan ba nagsimula Ang mga taong sinayang, binali na sumpaan Ngiti na dinungisan ng sakit na pinuno Ang puso ko na dati, walang humpay lumaban Ngayo'y sinira ng katulad mo Mata na lang ang nangungusap 'Di na makakilos ('di na makakilos), 'di na matanaw ang bukas Tanikala ng nakalipas Ang nakalulunod (ang nakalulunod), ano ba'ng makakalunas? Puwede bang balikan ang ating nakaraan? Puwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan? 'Di na makakilos, 'di na matanaw ang bukas (ay 'di na lang umpisahan) Ang nakalulunod, ano ba'ng makakalunas? Mata na lang ang nangungusap 'Di na makakilos, 'di na matanaw ang bukas Tanikala ng nakalipas Ang nakalulunod, ano ba'ng makakalunas?
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out