Top Songs By Meg Zurbito
Credits
PERFORMING ARTISTS
Meg Zurbito
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Meg Zurbito
Songwriter
Lyrics
Nakatulala
'Di alam kung san magsisimula
Tila ba naubos ang musika
Nung nilisan mo
Nakatunganga
'Di alam kung ba't nag-iisa
Tila ba nasanay na
Sa mga paalam mo
Unti-unting
Nalilimot na ng paningin
Ang mga mata na dahilan
Ng pagluha sa gabi, hapon at umaga
Ano ba'ng kailangan
Kong gawin para maibalik
Ang nawawalang pagmamahal sa sarili
At tuluyang matapos ang mga baka at sakali
Nalulunod
'Di alam kung paano aahon
Tila ba lumulubog 'pag marinig
Pangalan mo
Unti-unting
Nalilimot na ng paningin
Ang mga mata na dahilan
Ng pagluha sa gabi, hapon at umaga
Ano bang kailangan
Kong gawin para maibalik
Ang nawawalang pagmamahal sa sarili
At tuluyang matapos ang mga baka at sakali
Do do do do da
Uhhh, uhhh, ahhh, whooo
Du ru du da ra da ra
Ohh
At kung magkagayon
Na ang utak maturuan
Pagkawasak matabuyan
Aking iiwanan
Nang malaya sa isipan
Kabahagi ka ng nakaraan
Ano bang kailangan
Kong gawin para maibalik
Ang nawawalang pagmamahal sa sarili
At tuluyang matapos ang mga baka at sakali
Writer(s): Meg Zurbito
Lyrics powered by www.musixmatch.com