Lyrics

Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala kaka-kompyuter mo diyan Di niya maintindihan Pero okay lang yan Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala mag aral ka nalang 'Di niya maintindihan Pero okay lang yan Pasensya na, matigas ulo Umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo Sorry gusto ko kasi talaga Hindi ko papabayaan ang aking eskwela kaya wag ka magalala Ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa Kahit yayain ako ng kaklaseng magcutting ay hindi nagpapadala Kaso lang sa paglipas ng panahon, ihip ng hangin nagiba Pati perang pang enroll na iyong padala sa Dota'y aking nadala Kaya ang Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala kakacomputer mo diyan 'Di niya maintindihan Pero okay lang yan Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala magaral ka nalang Di niya maintindihan Pero okay lang yan Pasensya na, matigas ulo Umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo Sorry gusto ko kasi talaga Hindi ko papabayaan ang aking... ah basta, huwag ka na magalala Ang ganda nung umpisa nababalanse ko pa Nais ko lang naman kasi talagang mangyari ay gumawa ng kanta Kaso lang sa paglipas ng panahon Sa battle rap na napunta Ito't ang inyong anak na inyong minahal andun at pinagmumura Kaya ang Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala sa kakarap mo diyan Di niya maintindihan Pero okay lang yan Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala magaral ka nalang 'Di niya maintindihan Pero okay lang yan Sige, opo oo nalang Opo oo ka lang Opo oo nalang Opo oo ka lang Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na Anak pag aaral mo? Kamusta? May bagsak ka ba? Ma marami, dalawa lang ang aking napasa Joke lang ma, paano babagsak e di naman nag enroll talaga Gumuho ang mundo ko, nung magtanong ka na Anak yang pag rarap mo? Kamusta? Nananalo ka ba? Pa palagi, ano ba yan nagtatanong ka pa Joke lang pa, sampu na ang aking talo panalo ko ay dalawa kaya Malamang sasabihin niyo nanaman sa akin dapat nakinig na ako Nakinig naman ako, hindi lang sumunod, e kayo nakinig ba kayo? Diba ang lagi niyong sinasabi sa akin dapat itigil ko na to Hindi naman ako magaling sa ganto? Magaling lang kapag gagawin gusto niyo Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag hindi na agad ang sagot Minsan kahit hindi pa nga 'ko bumabanat Hindi na agad, nakakalungkot Pero ako ay nakangiti pa rin dapat Kasi kapag nagsimangot Naku yari lagot Opo di dahil merong respeto Opo-dahil takot! Opo para tapos na agad, para wala nang gulo Opo kasi diba ako'y bastos kapag ang sagot ko ay hindi niyo gusto Opo nalang, Opo hanggang nakatira pa ako sainyo Kayo ang magulang at anak lang ako Matanong ko lang, bakit? choice ko ba to? Mismong aking pagkabuhay, kayo ang nag desisyon Tapos gusto niyo pa kayo rin masunod sa mga gagawin ko ngayon? Wala ba akong kwentang anak? dahil dito sa aking mga sinasabi? Sana nga e kaya ko tong sabihin lahat Kaso sa isipian ko lang lahat to nangyari. Wala eh Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala sa ginagawa mo diyan Di niya maintindihan Pero okay lang yan Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan Wala kang mapapala magaral ka nalang Di niya maintindihan Pero okay lang yan Sige, opo oo nalang Opo oo ka lang Opo oo nalang Opo oo ka lang
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out