Lyrics

Isapuso, isapuso ang pagka-mandirigma Isapuso, isapuso Alamat, handa, 'rap! Ilabas ang mga kalasag (ha) 'Wag kakarag-karag, humandang pumalag (bakit) 'Di mo ba nakikita yung mga nasa laot Mga balangay na dala-dala'y mga salot (pero teka) Mga katawa'y nakatapal ng bakal (oh) Wala tayong laban kung kawal sa kawal Pero 'pag sama-sama nating palibutan Ewan ko na lang kung hindi sila kilabutan Patalasin mga pana't balaraw Sumigaw hanggang lupa ay gumalaw (aah) 'Tong mga mapupusyaw, mag-iinaso Kapag kanilang baluti'y balutin ng palaso Pulutong, humanay Pasulong, 'kad Maghintay ka lang ang mga gimbal ay Dadagun-dadagun-dadagundong (ooh) Papau-papau-papaugong (ooh) Nagsusumigaw kahit na pabulong Dahil pusong mandirigma 'Di papakutya, 'di papapugong Pusong mandirigma 'Di papadikta at Dadagun-dadagun-dadagundong Sila yung napugutan Sila yung naghalo ang balat sa tinalupan Kami yung panalo pero bakit parang kulang Para bang sila yung naghintay at namuhunan Teka sandali Mga gawi ko yung nabura Ako nang magpapalakad Ako yung nakatira Buenom, esto es para ti tambien po Paga tus aportes al ayuntamiento Teka nga, sino kang nagpapa-papel Mga pangalan namin tinala sa papel Ayaw kong makibahagi, 'wag ka nang pumapel Punitin ang sedulang gawa sa papel Pulutong, humanay Pasulong, 'kad Maghintay ka lang ang mga gimbal ay Dadagun-dadagun-dadagundong (ooh) Papau-papau-papaugong (ooh) Nagsusumigaw kahit na pabulong Dahil pusong mandirigma 'Di papakutya, 'di papapugong Pusong mandirigma 'Di papadikta at Dadagun-dadagun-dadagundong Daming nasawi Daming mga buhay nawala sa paggapi Mga bayaning 'di mailibing mga labi Pero may dalawang nobelang nakapukaw ng mithi Pagdating ng bukang liwayway sa wakas ay Naiwawagayway na rin natin ang Tatlong bituin at isang araw Sa wakas at tayo ri'y nagkaisa nga raw Pero 'di natin namamalayan Meron na palang ugnayang Magpalit kamay ang mananakop Ngayon 'di mo ba nakikita yung mga nasa laot Bagong bapor dala-dala'y mga salot Pulutong, humanay Pasulong, 'kad Maghintay ka lang ang mga gimbal ay Dadagun-dadagun-dadagundong (ooh) Papau-papau-papaugong Nagsusumigaw kahit na pabulong Dahil pusong mandirigma 'Di papakutya, 'di papapugong Pusong mandirigma 'Di papadikta at Dadagun-dadagun-dadagundong
Writer(s): Thyro Alfaro Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out