Top Songs By jikamarie
Credits
PERFORMING ARTISTS
jikamarie
Vocals
Ken Ponce
Guitar
COMPOSITION & LYRICS
Angelika Lois Ponce
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Ken Ponce
Producer
Lyrics
Ako sa'yo'y nalilito
Buong gabing dilat aking mga mata
Kaiisip sa ngiti sa'yong mukha
Alam mo bang nanginginig kapag kasama ka?
Ako rin ay naiisip mo ba?
Kaibigan lang kita
Ngunit parang iba
Pinapakita mo 'pag tayo lang dalawa
Ganyan ka rin ba makitungo sa iba?
O nalilito ako sinta
Pwede ba'ng sa'kin mo na lang
Sa'kin ibigay ang lahat ng 'yong pagmamahal
'Di ka na dapat mahiya
'Wag kang mangangamba
Hindi ka naman sa'kin iba
Dahil nililito mo ako, babe
Ano ba ako sa'yo? babe
Nililito mo ako, babe
Ano ba ako sa'yo, yeah
'Di naman ako sa nagmamadali
Gusto ko lang sana yung sigurado sa'kin
'Di rin kita sa pinipilit
Sadyang dama ko lang ang 'yong mga tingin
Kaibigan lang kita
Ngunit parang iba
Pinapakita mo 'pag tayo lang dalawa
Ganyan ka rin ba makitungo sa iba?
O nalilito ako sinta
Pwede ba'ng sa'kin mo na lang
Sa'kin ibigay ang lahat ng 'yong pagmamahal
'Di ka na dapat mahiya
'Wag kang mangangamba
Hindi ka naman sa'kin iba
Dahil nililito mo ako, babe
Ano ba ako sa'yo? babe
Nililito mo ako, babe
Ano ba ako sa'yo, yeah
Nililito mo ako
Lyrics powered by www.musixmatch.com