Lyrics

Nagpapakilala mula sa mundo ng sining na walang tanikala Pinag-aralan, pinasa upang matawag na isang makatang bihasa Para sa mga nagtatanghal, ito ay para sa inyo wala, nang iba pa Ikaw ang pinaka sa sarili mong istorya at 'di ka namamalik mata Banat lang nang banat, malay mo bigla na lang na makaisa ka Pati pamato, naitaya kong pamusta, basta maikasa Sa mero'n o wala bahala na kung ano ang tinakda Mero'n diyang gutom, pero sikat na Tinangay yung datung mula sa kanta ha! Ako'y para bang ligaw na tupa sa mga kasama ko na Buddha Tsumempo 'di nanguna, nagbanat ng buto na muna Pulikatin man sa kakatingkayad ay pipilitin pa rin na makuha Abutin ang mga tala habang nakasayad ang mga paa sa lupa Salamat sa pag-imbita, musika alam mo na mahal kita Buti pa si Pain ang naiiba, dahil sa napakadami nila Mga wanna be na manggagamit 'di malaman kung bakit Tinuring mo naman na kaibigang matalik Nasilaw, naakit dapat sa kanila walang itira kahit isa Ang sandata ko sa gitna Papel, tinta, puso at salita Tuwing sasampa ako ay sabik na Gusto ko nang sindihan 'yung mitsa Balanse lamang ang timpla Papel, tinta, puso at salita Malamang mayanig kaya kumapit ka 'Pagkat gusto ko nang sindihan 'tong mitsa Sa tapat ng mga ilaw, sa harap ng mga tao Marami man o kaunti hindi magbabago ang bawat pag-akto Humanap ng enerhiya, kumakagat yung sativa Kung gusto mong gumanap na bida sa Karera ang kailangan ay bayad ang prangkisa Hinog na kalidad kahit hindi mainit hinahanap ng madla Para karapat-dapat ka talaga sa inaasam mong halaga Nu'ng una ay hindi ko masabe, tingnan mo nangyare Sinasabotahe ng dahil sa haliparot na babae Ngayon ay hindi mo na pwede pang maibalik 'yung dati Sino ba naman ako isang tuldok na nangarap? Kung gustong makipagbuno ay malugod kong winawasak Ulupong na puro bulong sunog sa pugon papuntang alapaap 'Pag humarang parang sinalubong 'yung Habagat habang nakalutang du'n sa dagat Tipong sawa na si Nobita at naging pinakasiga Ang gasolina pampakalat ng apoy maituturing bitamina At kung maliit pa rin ang tingin sa kabila ng mga pinakita Tanggapin kung mahina, kung mali s'ya paulanan ng dinamita! Ang sandata ko sa gitna Papel, tinta, puso at salita Tuwing sasampa ako ay sabik na Gusto ko nang sindihan 'yung mitsa Balanse lamang ang timpla Papel, tinta, puso at salita Malamang mayanig kaya kumapit ka 'Pagkat gusto ko nang sindihan 'tong mitsa Kung minsan parang ang sarap bumalik sa pinagmulan Tanggalin ang muwang, kahit na saglit na Makita ko lang 'yung batang paslit na sabik sa ulan Walang problema kung walang malaking laruan Lumaki naghanap ng salapi, kaso lang sa landas kung saan dapat Aking apuyan hanggang maging abo ang entabladong nais tungtungan Upang makarating sa rurok, umakyat, nahubog sa pagrap pagsubok Hinarap, nagbakasakaling may mabuong alamat sa sulok sa lapag Kahit na ang tulog ay hindi sapat Sa bubong maglakad, masunog ang balat Kahit tumaob nabuhos ko lahat Ang sandata ko sa gitna Papel, tinta, puso at salita (salita) Tuwing sasampa ako ay sabik na Gusto ko nang sindihan 'yung mitsa Balanse lamang ang timpla Papel, tinta, puso at salita Malamang mayanig kaya kumapit ka 'Pagkat gusto ko nang sindihan 'tong mitsa
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out