Top Songs By AEBlast
Credits
PERFORMING ARTISTS
AEBlast
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jeffrey Yumol
Songwriter
Paulo Gabriel Esquejo
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Jeffrey Yumol
Producer
Lyrics
Unang beses kang nakita
Ako ay nahalina
Pwede bang bumisita't mangharana?
Dala'y isang dosenang rosas
Walang sayang na oras
'Pag kasama ka parang wala nang bukas
Gitara ma'y wala sa tono
Puso ko ay ganado
Mapasayo kahit na sintunado
Dungawin na sa bintana
Ang lalakeng humahanga
Bitbit ko ang bituwin at mga tala
La-ra-ra
'Di ka na mag-iisa
La-ra-ra
Tayo lamang dalawa
La-ra-ra
Wala ng nanaisin pa
La-ra-ra
Kundi ang makasama ka
Habang buhay ikaw ang pipiliin ko sinta
Hawak kamay sa paglakbay ay makasama ka
Dalangin ka sa may kapal, oo
Nasan ka ba, halika na dito
Dito, dito, oh dito dito
Oh dito ka lang sa tabi ko
Dito, dito, oh dito dito
Oh dito ka lang sa tabi ko oh
Walang gabing hindi kita naiisip
Imahe mo'y dala sa panaginip
Diwata ka kung ilalarawan
Sa ganda mong yan walang wala akong laban
Bawat oras ay pagkakataon
Damdamin ko na sinubok na ng panahon
It's really hard for me na pigilan ang aking feelings
Basta bawat gabi ika'y makakapiling
Coz, parang sugal handa na kong tumaya
Tila perya nagpunta gusto ko lang sumaya
Ayaw nang mawala pagibig ko ay tunay
Di ka gulay pero pag sayo makulay ang buhay
Gagawin ko ang lahat upang iyong mapansin
Sa school sa klase dun ako magpapapansin
Araw araw 'lang humpay kitang liligawan
Mamalat man aking boses ika'y pagsisigawan pa
La-ra-ra
'Di ka na mag-iisa
La-ra-ra
Tayo lamang dalawa
La-ra-ra
Wala ng nanaisin pa
La-ra-ra
Kundi ang makasama ka
Habang buhay ikaw ang pipiliin ko sinta
Hawak kamay sa paglakbay ay makasama ka
Dalangin ka sa may kapal, oo
Nasan ka ba, halika na dito
Dito, dito, oh dito dito
Oh dito ka lang sa tabi ko
Dito, dito, oh dito dito
Oh dito ka lang sa tabi ko oh
Wala ng iba para sakin
Ikaw lang ang bulong sa hangin
Mahal ikaw lang ang tanging nais ko
Pangarap kang makapiling
Sa gabing malamig ang hangin
Mahal ikaw lang ang tanging nais ko oh oh woa oh
Dito, dito, oh dito dito
Oh dito ka lang sa tabi ko
Dito, dito, oh dito dito
Oh dito ka lang sa tabi ko oh
Lyrics powered by www.musixmatch.com