Lyrics

Tinawag mo akong maging katulad mo Tahakin ang landas na sa yo'y nagpako Naisin ko mang lumigaya sa lupang pangako Daa'y di ko tanto puso'y naghihingalo Nais kong magpunta kung nasaan ka Makita ka at masilaw sa 'yong liwanag at ganda Marinig ka't isigaw ang awit mo't harana Lunurin ng yakap mo't buhayin ng 'yong kalinga Ngunit paano hahakbang itong abang sugatan Paano tatahakin ang landas na di alam Paano kita makikita sa gitna ng karimlan Pangako mong aakayin ako ang siyang tangi panghahawakan Nais kong magpunta kung nasaan ka Makita ka at masilaw sa 'yong liwanag at ganda Marinig ka't isigaw ang awit mo at harana Lunurin ng yakap mo't buhayin ng 'yong kalinga Tungo sa'yo ay hahakbang marahan man Ika'y daratnang sa aki'y nag-aabang Nais kong pumunta kung nasaan ka Makita ka at masilaw Nais kong magpunta kung nasaan ka Makita ka at masilaw sa 'yong liwanag at ganda Marinig ka't isigaw ang awit mo at harana Lunurin ng yakap mo't buhayin ng 'yong kalinga Lunurin ng yakap mo't buhayin ng 'yong kalinga
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out