Lyrics
T'wing dakong dapit hapon minamasdan kong lagi
Ang paglubog ng araw hudyat ng takip-silim
Ganyan ang aking buhay, kung may dilim ang buwan
Hihiwat sa baybayin sa pagsapit ng dilim
Kung magagawa ko lamang ang hangin ay mapagil
At ang dilim ng hating-gabi h'wag sanang magmamaliw!
Upang ang palakaya ay laging masagana
Sa tangan kong liwanag ang kawa'y lalapit
Nang daking dapit hapon sa piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay maghuling hapunan
Sa bagong salu-salo nagdiriwang ang bayan
Ang tanging kanyang hain ay sarili N'yang buhay
Nang daking dapit hapon sa piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay maghuling hapunan
Sa bagong salu-salo nagdiriwang ang bayan
Ang tanging kanyang hain ay sarili N'yang buhay
Lyrics powered by www.musixmatch.com