Top Songs By Hangad
Credits
PERFORMING ARTISTS
Hangad
Performer
Paolo Ven B. Paculan
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Arnel DC Aquino SJ
Lyrics
Lyrics
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin!
Yahweh kong mahal,
Kahanga-hanga ang 'Yong mga Kamay.
Ang Bisig Mo aking tagumpay.
Ipinakilala ng aking Diyos sa lahat ng bansa
Kanyang kapangyarihan at awa.
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin!
Yahweh kong tapat,
Di Mo nilimot ang 'Yong mga sumpa.
Ang Pag-ibig Mo laging matatag.
Ngayo'y umaawit buong daigdig sa Iyong tagumpay
At paghango sa amin, 'Yong bayan.
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin!
Yahweh kong Ama,
Kay luwalhati ng 'Yong mga likha.
Sa kalangitan may pagdiriwang.
Ang mga dagat at ilog man ay nagsusumigaw
Sa 'Yong kadakilaan at dangal.
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin!
Magsumigaw sa kaligayahan!
Itanghal kadakilaan ng Diyos!
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin!
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin!
Lyrics powered by www.musixmatch.com