Credits
PERFORMING ARTISTS
Hangad
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Noel Miranda
Composer
Paulo K Tiról
Arranger
Lyrics
Huwag mong naising lisanin kita
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa
Saanman magtungo, ako'y sasabay
Magkabalikat sa paglalakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo
Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili
Saanman abutin ng paghahanap
Ikaw at ako'y magkasamang ganap (nawa'y)
Ipahintulot nawa ng Panginoon (Panginoon)
Ni kamataya'y maglalaho, anino ng kahapon
Dahil pag-ibig ang alay sa 'yo, mananatili ako
Huwag nang naising tayo'y mawalay (huwag nang naising tayo'y mawalay)
Huwag nang isiping magwawakas ang paglalakbay
Ah-ah-ah-ah
Huwag mong naising lisanin kita
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa
Saanman magtungo, ako'y sasabay
Magkabalikat sa aking paglalakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo
Huwag mong naising lisanin kita (ooh)
Lyrics powered by www.musixmatch.com