Lyrics

Oh sinta, ang 'yong mukha ang bungad sa aking umaga Sa pagdaan mo sa aking harap ay nanghina Anong salamangkang mayro'n ka't 'di ko mapigil Ang damdamin na mahulog nang kusa sa 'yo? Wala man akong magarang sasakyan, 'wag mag-alala Dahil mayro'n naman akong kabayo Haharanahin ka't araw-araw kang susulatan Ipagpapaalam ka't dadalhin kita sa sayawan 'Wag kang mag-alala, ihahatid ka bago mag-alas-otso y medya Gusto kita, tanggapin mo ang pagmamahal kong makaluma Oh tita, ang 'yong dalaga'y puwede ko bang ligawan? May dalang bulaklak at tsokolate galing bayan Handa ring magsibak ng kahoy at mag-igib ng tubig Sa pag-ibig na gusto kong makuha sa 'yo Wala man akong mamahaling kasuotan, 'wag mag-alala Dahil mayro'n naman akong gawa ng lola ko Haharanahin ka't araw-araw kang susulatan Ipagpapaalam ka't dadalhin kita sa sayawan 'Wag kang mag-alala, ihahatid ka bago mag-alas-otso y medya Gusto kita, tanggapin mo ang pagmamahal kong makaluma Haharanahin ka Haharanahin ka Haharanahin ka Haharanahin ka Paminawa akong kanta para ni sa imoha Ikaw ra way lain pa ang akong gihigugma Ayaw lang og kabalaka, ihatod tika bago mag-alas-otso y medya Gusto tika, dawata ni akong kinaraan na paghigugma
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out