Credits
PERFORMING ARTISTS
Dyo Chua
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Rodio Chua Batayen
Songwriter
Lyrics
Nasugatan man ang puso
Ngunit kailanma'y hindi sumuko
Nasaktan man nang sobra
Ngunit ang hatid pa rin ay kalinga
Dahil tuloy lang ang laban
Di tatalikuran, di iiwanan
Hayaan mong umiyak ang mga tala
Hayaan mong pumatak ang mga luha
Ipikit ang mga mata at idalangin ang saya
Hapdi ay dahan-dahang mapapawi
Sa bawat sandali, sa bawat hikbi
Nadurog man ang puso
Ngunit kailanma'y hindi huminto
Napagod man nang sobra
Ngunit ang sigaw pa rin ay pag-asa
Dahil tuloy lang ang laban
Di tatalikuran, di iiwanan
Hayaan mong umiyak ang mga tala
Hayaan mong pumatak ang mga luha
Ipikit ang mga mata at idalangin ang saya
Hapdi ay dahan-dahang mapapawi
Sa bawat sandali, sa bawat hikbi
Pag-ibig ng Diyos ang dahilan
Pag-ibig Nya ang siyang tagatahan
Hayaan mong umiyak ang mga tala
Hayaan mong pumatak ang mga luha
Hayaan mong umiyak ang mga tala
Hayaan mong pumatak ang mga luha
Hayaan mong umiyak ang mga tala
Hayaan mong pumatak ang mga luha
Ipikit ang mga mata at idalangin ang saya
Ngiti ay dahan-dahang magwawagi
Ngiti ay dahan-dahang magwawagi
Ngiti ay dahan-dahang magwawagi
Sa bawat sandali, sa bawat hikbi
Lyrics powered by www.musixmatch.com