Top Songs By Mula sa Buwan
Credits
COMPOSITION & LYRICS
William Elvin Manzano
Songwriter
Francisco Soc Rodrigo
Songwriter
Pat Valera
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Myke Salomon
Producer
Barefoot Theatre Collaborative
Producer
Lyrics
Nais kong sumigaw
Kayong nagsasabi na huwag akong magsalita
Kayong nagpapangaral
Na ang ako ay 'di tama
Ako'y sisigaw! (Ah!)
Sa inyong paanyaya
Humimlay ang aking diwa
Sarili ay kalimutan
Makibagay, hindi na salamat
Ano bang ninanais?
May pagtago ba sa anino ng iba?
Sumipsip at kumapit
Sa gawa nila, hindi na salamat
Sumaludo, minu-minuto
Sa mayabang at baradong amo
Humalik sa 'di nais hagkan
Ihain ang buong karangalan
Sa altar ng kayamanan
Ha! Hindi na salamat
Ang sarili ay itago
Kahit naiiba ang pagkatao
At itikom ang nasa isip
Kahit na ito ang totoo
Tumakbo't lumayo (tumakbo't lumayo!)
Sa labang matuwid
Hindi na salamat
'Sanlibong salamat
"Puso ko'y matuwa sa mga bulaklak
Kahit na ito'y walang gaanong bango't halimuyak
Lahat ito'y tipunin kahit na yaong damong ligaw
Sa isang hardin na matatawag nating
Atin!"
Tumakbo't lumayo (tumakbo't lumayo!)
Sa labang matuwid
Hindi na salamat
'Sanlibong salamat
Nais kong umawit, mangarap, lumaban
Tahakin ang marangal na landas
'Di ka nag-iisa, ngayo'y sumisigaw (ngayo'y sumisigaw)
Ngayo'y sumisigaw (ngayo'y sumisigaw)
Aah, aah, aah
Aah, aah, aah (malaya)
Malayang umawit (malaya)
Umibig! (Malaya)
Sumagot ng oo at hindi!
(Malaya) mabuhay!
(Malaya) umibig!
(Malaya) sumunod sa sariling isip!
(Malaya) mangarap!
(Malaya) lumaban!
(Aah) sumagot ng oo at hindi!
(Malaya) umawit!
Malaya, malaya
Malayang maging ako!
Malaya ako!
Writer(s): Francisco Soc Rodrigo, Pat Valera, William Elvin Manzano
Lyrics powered by www.musixmatch.com