Music Video

KAPATID (feat. J-Matt)
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Victoria Dumale
Victoria Dumale
Songwriter
John Matthew Dumali
John Matthew Dumali
Songwriter

Lyrics

Bata pa lamang ay dumanas na ng hirap Sa murang katawan ay natutunan ng magsigap Upang kumita't makatulong sa magulang Patuloy sa pagkayod wala pa sa wastong gulang Batang babae na may edad katorse Sa hamon ng buhay ay di inosente Namulat sa realidad at diskarte Di naging bingi sa bawat ingay ng palengke Di naging hadlang ang kahirapan sa pangarap Todo ang kayod kanyang pagsusumikap Tunay sa tunay wala ding halong arte Ito ay istorya ng mapagmahal kong ate Kahit sa murang edad Pag-iisip ay namulat Kahirapan ay hindi naging hadlang Isinan tabi pangarap Para sa inyong pangarap Ngayo'y sabay-sabay na aangat Hindi naging balakit hirap ng nakaraan Lahat ay ginalawan lahat na klase paraan Patungo sa pangarap nais niyang mapuntahan Sinubok din ang panahon at kanya ding nalagpasan Hanggang magkaedad patuloy na sumasabak Maputik mang daan di tumigil sa pagtapak Plano'y matupad at magagandang balak Ginhawa ng buhay ang gusto niyang matahak Upang masuklian ang pagod ng magulang Salat sa pera sa pagmamahal hindi nagkulang Tunay sa tunay wala ding halong arte Ito ay istorya ng mapagmahal kong ate Kahit sa murang edad Pag-iisip ay namulat Kahirapan ay hindi naging hadlang Isinantabi pangarap Para sa inyong pangarap Ngayo'y sabay-sabay na aangat Dahil sa sipag at tiyaga ay May pinto na bumukas Ngunit meron siyang pamilyang Maiiwan sa Pinas Kailangan niyang gawin Ang lahat ng sakripisyo Lahat ay tiniis Kahit na anong trabaho Lahat ay gagawin Para sa pamilya Ang pagtulong sa kapwa Ay hindi na rin iba At hindi naging madamot Sa kanya ang panahon Unti unting nagliliwanag Madilim niyang kahapon At ngayon ang panahon Para sarili mo'y isipin Kasama mo kami Sa iyong pangarap na mithiin Tunay sa tunay wala kang halong arte Salamat ang marami Mapagmahal kong ate Kahit sa murang edad Pag-iisip ay namulat Kahirapan ay hindi naging hadlang Isinantabi pangarap Para sa inyong pangarap Ngayo'y sabay-sabay na aangat Kahit sa murang edad Pag-iisip ay namulat Kahirapan ay hindi naging hadlang Isinantabi pangarap Para sa inyong pangarap Ngayo'y sabay-sabay na aangat
Writer(s): John Matthew Dumali, Victoria Dumale Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out