Credits
PERFORMING ARTISTS
Indio I
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Enrique Dedio Lacano
Songwriter
Lyrics
Gabing kay dilim sa liwanag ng buwan
Ikaw ay aking napagmasdan
Liwanag ng buwan na dumampi sa 'yong pisngi
Ako'y nabighani
Kinuha ko ang aking gitara
Pagdaka'y inawitan ka
Dumungaw ka sa iyong bintana
Binigyang-pansin nitong binata
Hindi nagtagal, tayo ay naging magkasintahan
Sa harap ng buwan, tayo ay nagsumpaan
Na sa isa't isa'y magmamahalan
Saksi ang bituin at kalangitan
Ngayon, matanda na, uugod-ugod na
Boses ko'y paos na, 'di makayanang ika'y awitan pa
Tangi ang iyong alaala
Ito lamang ang aking kasama
Ngunit ako'y natutuwa
At malapit na muli tayong magkasama
Ngunit ako'y natutuwa
Sa langit, muli kitang mahaharana
Writer(s): Enrique Dedio Lacano
Lyrics powered by www.musixmatch.com