Lyrics
Hindi ko na nasisilayan
Ang sikat ng araw
Hindi ko na namamasdan pa
Ang ganda ng buwan
Nasaan ba ang 'yong pag-ibig
Na dati'y sa akin lamang?
Ibalik mo ang init ng suyuan
At pagmamahalan
Magbuhat nang lumamig (magbuhat nang lumamig)
Ang init ng 'yong pag-ibig (ang init ng pag-ibig)
'Pagkat ikaw ang tanging
Ligaya n'yaring buhay
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan?
May halaga pa ba sa akin ang pag-ibig?
Kung puso at gabi'y magsinglamig
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan?
May halaga pa ba sa akin ang pag-ibig?
Kung puso at gabi'y magsinglamig
Nasaan ba ang 'yong pangako
Na ika'y 'di magbabago?
Bakit nga ba hindi mo masabi
Na mahal mo pa rin ako?
Huwag kang mag-alinlangan (huwag kang mag-alinlangan)
Pag-ibig ko sa 'yo'y naghihintay (pag-ibig ko'y naghihintay)
'Pagkat ikaw ang tanging
Ligaya n'yaring buhay
Pababayaan mo kayang masanay na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan?
May halaga pa ba sa akin ang pag-ibig?
Kung puso at gabi'y magsinglamig
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan?
May halaga pa ba sa akin ang pag-ibig?
Kung puso at gabi'y magsinglamig
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan?
May halaga pa ba sa...
Lyrics powered by www.musixmatch.com