Lyrics

Ano ang sukat ng halaga ng isang buhay Kayamanan ba o di kaya ang pangalan Ano ang titimbang sa husto o kulang Ng katuparan ng adhikain at paninindigan May gantimpala bang dapat pang asahan Upang kumilos ng tama't makatuwiran Saglit lamang ang ating buhay Tilamsik sa dakilang apoy Ang bukas na nais mong makita Ngayon pa ma'y simulan mo na Ang bawat tibok ng iyong puso Minsan lamang madarama Ito ang kumpas ng ating awit Na sadyang may hangganan May gantimpala bang dapat pang asahan Upang kumilos ng tama't makatuwiran Kat'wan at isipa'y kukupas At sa lupa'y yayakap din Subalit ang bunga ng iyong pamana'y Higit pa sa pinagmulan Saglit lamang ang ating buhay Tilamsik sa dakilang apoy Ang bukas na nais mong makita Ngayon pa ma'y simulan mo na
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out