Lyrics

Anong saya ng buhay ko nang makilala ka At ang buong paligid ko ay nagkakulay pa Laging nasa isip ko, nakaraan nating dal'wa Noong ikaw ay sinusuyo ko pa Minsan naman, no'ng araw, biglang nagalit ka Dahil sa 'king pagbibiro, ika'y lumuha pa Hinalikan ko ang labi mo, at napawi ang 'yong tampo Mga ngiting matatamis ang ganti mo Tandang-tanda ko pa noon nang tayo ay 'kinakasal Sumumpa kang ako lamang ang iyong mahal Lumipas ang ilang taon, at isinilang mo Ang bunga ng pagmamahal at ng pag-ibig ko Isa-isang natupad ang mga pangarap ko Mula noon, lalong nagsikap ako Kapag ako'y umuuwi, sumasalubong ka pa Kahit pagod, kahit hirap, ika'y nakakaawa Isang araw, naglaho ang aking kasiyahan 'Pagkat ika'y pinatawag do'n sa kalangitan Kay lungkot ng buhay ko, pati na ang paligid ko Mula nang mawalay ka sa piling ko Ang kuwento ng pag-ibig ko at ng aming nakaraan Ang tanging alaala ko sa inyo'y maiiwan
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out