Top Songs By Tarzan & Baby Jane
Credits
PERFORMING ARTISTS
Tarzan & Baby Jane
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Bert Reyes
Composer
Lyrics
Kuripot ang Ninong ko
Sa aginaldong piso
Dagling sumakit ang kanyang ulo
Sa aginaldong piso
Napudpod ang nguso ko
Sampung beses akong pinagmano
Ay naku, Ninong!
Ay, nalugi pa ako
Sa pasahe sa pagpunta sa inyo
Ay naku, Ninong!
Kung laging ganyan kayo
Ay di na muli ako mamamasko
Kuripot ang Ninong ko
Mayron namang negosyo
At maraming kwarta pa sa bangko
May masagwa pang bisyo
Na kung araw ng pasko
Ang bahay ay palaging sarado
Aba, itong Ninong ko
Ay bigla syang nagbago
Sya'y naging galante't bwemyo
At ang kanyang sikreto
Nabisto ng Ninang ko
Na sya pala ay mayrong No.2
Ay, naku Ninong!
Kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay pasko
No.1 mo't No.2
ay naghihintay na makapiling mo
Minalas ang Ninong ko
Nahuli ng Ninang ko
Kumare pala nya ang No.2
Kaya't pati kumpare
Nagalit sa Ninong ko
Pinukpok ang ulo ng Ninong ko
Aba, itong Ninong ko
Ay bigla syang nagbago
Sya'y naging galante't bwemyo
At ang kanyang sikreto
Nabisto ng Ninang ko
Na sya pala ay mayrong No.2
Ay, naku Ninong!
Kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay pasko
No.1 mo't No.2
Ay naghihintay na makapiling mo
Minalas ang Ninong ko
Nahuli ng Ninang ko
Kumare pala nya ang No.2
Kaya't pati kumpare
Nagalit sa Ninong ko
Pinukpok ang ulo ng Ninong ko
Ulo nagkabukol Paskung-pasko
At nagpaskong-bukol ang Ninong ko
Lyrics powered by www.musixmatch.com