Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Wickermoss
Wickermoss
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Rodeth Advincula & Marlong Legaspi
Rodeth Advincula & Marlong Legaspi
Songwriter

Lyrics

Sa aking paggising, pangarap kang makita Pagpintig ng puso, mayroong kaba Hindi ko mailihim ningning sa 'king mata Balang araw, ako'y umaasa na ika'y makapiling Sabay ng dalangin at pagbilog ng buwan Paglipas ng araw, pangarap ko'y ganap Ako'y 'yong nasa isip, ako'y hanap-hanap Hindi raw panaginip, sa isang iglap Magkasama tayo sa alapaap at hawak-kamay at Sabay na humahanga sa gandang liwanag ng buwan Masdan mo giliw ang langit sa piling mo Mundo'y gumaganda, bawat hinga'y laan sa 'yo Sa bawat ihip at bulong ng hangin ay Mundo'y iikot lang sa 'yo Masdan mo giliw ang langit sa piling mo Mundo'y gumaganda, bawat hinga'y laan sa 'yo Sa bawat ihip at bulong ng hangin ay Mundo'y iikot lang sa 'yo Dahil sa pagsubok, lahat ba'y may hangganan? 'Pag 'di inukol, walang hahantungan Hayaan na lang isipin, hayaang maghangad Mugtong matang hawak ko tangi mong larawan Habang ako ay mag-isang nakatanaw sa pagluha ng buwan Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh, la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la-la, gandang liwanag ng buwan La-la-la-la-la-la-la, gandang liwanag ng buwan La-la-la-la-la-la
Writer(s): Rodeth C Advincula, Marlon Legaspi Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out