Top Songs By Beverly Caimen
Credits
PERFORMING ARTISTS
Beverly Caimen
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vehnee Saturno
Composer
Lyrics
Alam ko na mahal ka n'ya
Ngunit pa'no na itong aking nadarama?
Batid ko ring ika'y higit
Sa paningin, maging sa pagtatangi n'ya
Alam kong kay bigat sa puso 'pag ika'y inibig n'ya
Ngunit ano'ng magagawa, sadyang minamahal ko s'ya?
Maari ba, kami na lang dal'wa?
'Di ako magtatanong kung nasa'n ka o s'ya ba ang iyong kasama
Maari ba? Kahit pag-ibig mo'y 'di totoo
Paasahin mo ako na ako ang naand'yan sa puso mo
Alam ko na 'di kay dali
Ang isang pag-ibig na may pagkukunwari
Ngunit ang puso ay manhid
Kahit pa batid ang tunay at katotohanan
Alam kong kay bigat sa puso 'pag ika'y inibig n'ya
Ngunit ano'ng magagawa, sadyang minamahal ko s'ya?
Maari ba, kami na lang dal'wa?
'Di ako magtatanong kung nasa'n ka o s'ya ba ang iyong kasama
Maari ba? Kahit pag-ibig mo'y 'di totoo
Paasahin mo ako na ako ang naand'yan sa puso mo
Oh, maari ba, kami na lang dal'wa?
'Di ako magtatanong kung nasa'n ka o s'ya ba ang iyong kasama
Maari ba? Kahit pag-ibig mo'y 'di totoo
Paasahin mo ako na ako ang naand'yan sa puso mo
Paasahin mo ako na ako ang naand'yan sa puso mo
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com