Lyrics

Lahat ng luha, lahat ng pangamba Lahat ng pagod, at lahat ng problema Ay kakayanin natin basta't may umaalalay Dumadali ang pagsubok 'pag may karamay Lahat ng takot at lahat ng kalungkutan Lahat ng sugat at lahat ng kahirapan Ay kakayanin natin kung magtutulungan Magkapit-kapit-Pinoy, magsama-sama Kapit-Pinoy, walang hindi makakaya May bagong umaga sa 'ting maghihintay Haharaping magkakapit-kamay Tayo ay bayang tinawag upang magtagumpay Bawat umaga, bawat gabing papanaw Bawat pagsikat at bawat lubog ng araw Makakaasa kang isang tawag mo lamang Agad iaabot ang init ng pagmamahal Lahat ng takot at lahat ng kalungkutan Lahat ng sugat at lahat ng kahirapan Sa ating panalangin ay malalampasan Magkapit-kapit-Pinoy, magsama-sama Kapit-Pinoy, walang hindi makakaya May bagong umaga sa 'ting maghihintay Haharaping magkakapit-kamay Tayo ay bayang tinawag upang magtagumpay Magkapit-kapit-Pinoy, magsama-sama Kapit-Pinoy, walang hindi makakaya May bagong umaga sa 'ting maghihintay Haharaping magkakapit-kamay Tayo ay bayang tinawag upang magtagumpay Tayo'y bayang tinawag upang magtagumpay (kapit-Pinoy, kapit-) (Kapit-Pinoy, kapit)
Writer(s): Jonathan Manalo, Proceso Gideon H Marcelo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out