Lyrics

Ako ang nagwagi Naitago ko ang damdamin kong sawi Oh, kay saya ko Malaya kong nasusunod ang gusto Kasama kong ngumingiti ang mundo At 'di humihikbi sa 'yo Ang sabi nila Ako'y larawan ng ligaya't saya Mapalad daw ako sa pag-iisa At nalimutan daw kita Ako ang nagwagi Naitago ko ang damdamin kong sawi Sino'ng magsasabing ito nga'y mali Kahit alaala ka bawat sandali? Ako ang nagwagi Paglimot daw sa iyo'y ganyan kadali Naniniwala nga sila Na ako'y malaya na Salamat na lang Hindi lantad ang isang pusong sugatan Bawat tibok, hindi rinig ang sigaw Tinatawag pa rin ikaw Ako ang nagwagi Naitago ko ang damdamin kong sawi Sino'ng magsasabing ito nga'y mali Kahit alaala ka bawat sandali? Ako ang nagwagi Paglimot daw sa iyo'y ganyan kadali Naniniwala nga sila Na ako'y malaya na Salamat na lang Hindi lantad ang isang pusong sugatan Bawat tibok, hindi rinig ang sigaw Tinatawag pa rin ikaw na tanging mahal Kahit ako ang nasawi Ako pa rin ang nagwagi
Writer(s): George Canseco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out