Lyrics

Minsan ang 'sang pangako'y maihahambing Sa isang kastilyong buhangin, Sakdal-rupok at huwag di masaling Guguho sa ihip ng hangin Ang alon ng maling pagmamahal Ang s'yang kalaban n'yang mortal, Kapag dalampasiga'y nahagkan Ang kastilyo ay nabubuwal Kayat bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa, Pakaisipin naitn kung pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ng landas Minsan dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan, Sumpang kastilyong buhangin pala Pag-ibig na pansamantala. Kayat bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa, Pakaisipin naitn kung pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ng landas Minsan dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan, Sumpang kastilyong buhangin pala Pag-ibig na Pansamantala, luha ang dala 'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin, Gumuhong kastilyong buhangin.
Writer(s): George Canseco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out