Lyrics

Giliw, kung pahihintulutan mo ako Ipagkakatiwala ko sana sa 'yo ang puso ko Alamat lang ba ang pahinga Ng dalawang puyat sa Pira-pirasong mga bugtong? Nagtatanong Sagot ay 'di mahalaga Sapat na sa 'king nar'yan ka Paumanhin, paumanhin Salat sa kasanayang linawin Giliw, kung pahihintulutan mo ako Ay ipapakilala ko sana sa 'yo ang buong mundo Balagtasan ng nagtatapatang Makatang maligalig ang mga tugma Limot na kung paano ang umasa Giliw, kung pahihintulutan mo ako Ang aking hangganan ay ipapamalas ko sa 'yo Giliw, 'pinakikiusap ko sa 'yo Sana'y pakaiingatan 'yang puso ko
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out