Credits
PERFORMING ARTISTS
Shirebound & Busking
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Iego Tan
Songwriter
Lyrics
Panakaw-nakaw ng tingin
Bakit hindi ka namamansin?
Tingin mo ba ako'y natutuwa
Sa paumanhin mong nanunuya?
Hahawakan kong ngiti
Na binura na ng lamig
Tinataboy mo ba ako
O tinatawag sa 'yong tabi?
Sorry kung hindi mo nabalitaang
Naimbento na ang paalam
Nayayanig kong daigdig
Gamit ang 'yong mga mata
Kung nagtitipid ka ng papel
Ay libre lang magsalita
Pasalubong mong katahimikan
Mas gusto ko nang mapagalitan
Sorry kung hindi mo nabalitaang
Naimbento na ang paalam
At sorry kung masyadong matimbang
Hinihiling kong kaliwanagan
Sorry kung hindi mo nabalitaang
Naimbento na ang paalam
At sorry kung masyadong matimbang
Hinihiling kong kaliwanagan
At sorry sa 'king sarili
'Di na matitikman ang kaligayahan
Lyrics powered by www.musixmatch.com