Credits
PERFORMING ARTISTS
Cerise Michel A. Limueco
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Cerise Michel A. Limueco
Arranger
Jared Isaiah N. Cortado
Arranger
Ronn Bryanne O. Tuazon
Arranger
John Daniel D. Bardoc
Arranger
Christian Maranan
Arranger
Lyrics
Nakatingin sa taas
Pinagmamasdan ang langit na punong-puno ng ulap
Baka sakali lang na sumilip ang araw
At tumigil ang ulan na tila walang katapusan
Bakit biglang dumilim ang paligid?
Tila ba napundi ang liwanag sa puso
'Di na mahanap ang dating sarili
Mas maganda na lang sigurong sumuko
Para saan pa ba?
Tara, bumangon ka na diyan
Masyado pang maaga para sumuko sa laban
'Di pa tapos ang lahat
Punasan ang luha't pawis, tayo'y babawi
Bangon, bangon na
Kasi lalaban ka pa, oh
Bangon, bangon na
Tuloy ang laban, ipakita natin
Oh, ang hirap nga namang kumilos 'pag lahat ng tao sa paligid mo
Mapakaliwa't kanan, galing sa taas, lahat nakatingin sa 'yo nang pababa
Ayan tuloy, natakot na baka hindi na talaga maging sapat ang pinaghihirapan
At baka ang panatag sa sarili'y talagang kathang-isip lamang
Pero teka, ba't ako nakikinig sa kanila? Nagpapahawa sa kanegatibuhan
Bakit ko sila pinapanigan, imbes na sarili ko ay aking kampihan?
Pero sa kabila ng kalungkutan, may pangarap na nag-aalab
Tumatawa sa akin, nagliligtas palagi para bumangon ulit, sumabay kayo sa 'kin
Bumangon ka na diyan
Masyado pang maaga para sumuko sa laban
'Di pa tapos ang lahat
Punasan ang luha't pawis, tayo'y babawi
Bangon, bangon na
Kasi lalaban ka pa, oh
Bangon, bangon na
Tuloy ang laban, ipakita natin
Tuloy ang laban, mayro'ng pag-asa
Walang panahon para sumuko
Unti-unti nang lumiliwanag
Sumisikat ang araw para sa 'yo
Tuloy ang laban, mayro'ng pag-asa
Walang panahon para sumuko
Unti-unti nang lumiliwanag
Sumisikat ang araw para sa 'yo
Tara, bumangon ka na diyan
Masyado pang maaga para sumuko
'Di pa tapos ang lahat
Puwede pa tayo bumawi
Kaya bumangon ka na
Bumangon na
Ipakita natin
Lyrics powered by www.musixmatch.com