Credits
PERFORMING ARTISTS
Cerise
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Cerise
Arranger
Lyrics
Tama na, niloloko ko lang ang sarili ko
Puwede bang batukan na ng katotohanan?
Ilang beses ko bang iuuntog
Ang ulo ko para matauhan?
Kailan kaya magsasawang
Masanay sa kakahintay?
Wala namang napapala
Puwede bang sabihin mo na
Kung may pag-asa ba talaga?
Naghihintay, humihiling
Kahit na parang umaasa lang sa wala
Bakit ba 'di pa rin kita mabitawan?
Naghahanap ng kasiguraduhan
Umaasa sa pag-asang malabo
Na 'di ko alam kung sa'n patungo
Lagi na lang bang ganito?
Puwede naman akong sumuko na lang
Pero ba't 'di ko ba magawa?
Puwede bang sabihin mo na
Kung may pag-asa ba talaga?
Naghihintay, humihiling
Kahit na parang umaasa lang sa wala
Bakit ba kailangan ko pang hulaan
Kung parehas tayo ng nararamdaman?
Bakit mo kailangan akong pahirapan?
Puwede mo naman sabihin na lang
Puwede bang sabihin mo na
Kung may pag-asa ba talaga?
Naghihintay, humihiling
Para sa 'yo
Puwede bang sabihin mo na
Kung may pag-asa ba talaga?
Naghihintay, humihiling
Kahit na parang umaasa lang sa wala
Sa wala, sa wala
Sa wala, sa wala
Sa wala, sa wala
Sa wala
Lyrics powered by www.musixmatch.com