Top Songs By Davey Langit
Credits
PERFORMING ARTISTS
Davey Langit
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Davey Langit
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Davey Langit
Producer
Lyrics
Hindi ko na hinanap ni wala na sa hinagap
Na darating p'ang araw na ito
Nakuntento na akong magpatangay na lang sa alon
Kung saan man mapadpad ay dun ako
Dahil sa dami ng nakita ko mga pusong 'di nagkatagpo
Inisip kong 'di para sa 'kin 'to
Ngunit ang bawat pangamba ang bawat takot ko at duda
Ay nawala nung narito ka na
Ngayon alam ko ng
Ako'y handa na
Ang puso kong ito ay handa na
Na mapasaiyo habang buhay
At sa susunod pang magpakailanman
Pangako ko sa'yo
Na ikaw, tanging ikaw
Ang laging pipiliin ko
Akalain mo nga naman
Na ang dating wala naman
Kaibigan lang ako sa'yo
Ngunit biglang may naramdaman
Na hindi pa naramdaman
Mula ng magmahal itong puso
Nag-alangan pa ko nung una
Baka lahat ng pinuhunan ay
Masayang lang dahil hindi ikaw
Kaya't aking pinagpanata upang ako ay mapanatag
At sinagot naman ang panalangin ko
Ngayon alam ko ng
Ako ay handa na
Ang puso kong ito ay handa na
Na mapasaiyo habang buhay
At sa susunod pang magpakailanman
Pangako ko sa'yo
Sa isang daang milyong alternatibong mundo
Ikaw at ikaw lang ang hahanapin ko
Dahil ikaw, tanging ikaw
Ang itinakda sa akin
Ikaw lamang ang mamahalin
Ikaw, tanging ikaw ang laging pipiliin ko
Lyrics powered by www.musixmatch.com