Credits

PERFORMING ARTISTS
Angela Ken Rojas
Angela Ken Rojas
Lead Vocals
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Manalo
Jonathan Manalo
Producer

Lyrics

Akala mo ay tunay 'Yun pala'y may pakay lang sa 'yo Lalapit 'pag mayro'ng kailangan 'Pag wala'y dadaanan ka lang, ano kaya 'yon? Malalaman mo kung sino ang totoo Kung ika'y aalalayan 'pag ikaw ay sugatan Kahit walang-wala ka, sila'y nakasuporta Nagdadalahan paangat, 'di naghihilahan nang pabagsak Sadyang kay hirap amuhin ang lahat Kaya ingatan ang sa iyo'y tapat Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lamang Mahalin silang sa 'yo'y 'di nang-iwan Silang hindi nang-iwan 'Wag mong pababayaan Konti lang 'yan Akala mo'y seryoso, 'yun pala'y mayro'n lang motibo Pinapaikot lang ang ulo mo 'Di bale nang ikaw ang masaktan, 'wag na 'wag na lang papatulan (oh) 'Di ka nag-iisa, siguradong mayro'n sa 'yong sasalba Sadyang kay hirap amuhin ang lahat (sadyang kay hirap amuhin ang lahat) Kaya ingatan ang sa iyo'y tapat Kung sila ay lilisan, hayaan mo na lamang Mahalin silang sa 'yo'y 'di nang-iwan Silang 'di nang-iwan Silang hindi nang-iwan (silang hindi nang-iwan) 'Wag mong pababayaan ('wag mong pababayaan) Konti lang 'yan 'Di mo kailangang magpakatama sa lahat 'Di man perpekto, ngunit biyaya Niya'y sapat Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lamang Basta't ang puso mo'y payapa lang Hayaan mo na lamang Basta't ang puso mo'y payapa lang
Writer(s): Angela Ken Rojas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out