Lyrics

'Di mo ba alam na ikaw lang ang hinihintay Na igalaw ang baso para mabasag ang katahimikan? Ang kalabog ng puso ko'y rinig hanggang sa kabilang kanto At isang tanong mo lang, walang ibang sagot kundi "oo" Alam kong tayo'y patungo rin naman dito Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan At ako'y tanungin ng "Puwede bang akin ka lang?" Oo, sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang (sa 'yo lang) Sa 'yo't sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang naramdaman Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat (sa 'yo lang) Sa 'yo lang ako hanggang sa walang-hanggan Sa 'yo lang, sa 'yo lang, sa 'yo lang 'Di mo ba alam na ikaw lang ang nakita kong sa akin ay seryoso? Sino ba naman ang 'di mahuhulog? Ang ngiti, 'pag nakita ka'y abot hanggang sa kabilang kanto Pati sa aking pamilya, sa 'yo lang sila naging kalmado Alam kong tayo'y patungo rin naman dito Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan At ako'y tanungin ng "Puwede bang akin ka lang?" Oo, sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang (sa 'yo lang) Sa 'yo't sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang naramdaman Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat (sa 'yo lang) Sa 'yo lang ako hanggang sa walang-hanggan (Sa 'yo lang, sa 'yo't sa 'yo lang) ha Sa 'yo lang, sa 'yo lang naramdaman Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat Sa 'yo lang (sa 'yo lang) Alam kong tayo'y patungo rin naman dito Ikaw lang naman ang hanggang sa dambana Gusto kong makasama at pangangakuan ng "oo" Ako'y sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Writer(s): Angela Ken Rojas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out