Top Songs By Madd Mark
Credits
COMPOSITION & LYRICS
Mark Joven Laderas
Songwriter
Mark Alex Candog
Songwriter
Lyrics
Di sasayangin
Di sasayaning
Huwag mong sayangin
Kapag tiwala, kapag tiwala, kapag tiwala
Kapag tiwala ay nadurog mahirap ng mahubog
Parang plorerang nahulog posible pang mabubog
Sa pagbunot ng talulot may ligaya nga na dulot
Pwede rin lungkot mapulot ganun kapag may hugot
Tayo daw ay nabigyan ng dalawang tenga at iisang bibig
Para mabawasan pagsasalita at mas mabuting makinig
Sa bukal na puso at isipan ng iba ako natutong mag-igib
Kaya ang sarili kong bakuran di nauubos pandilig
Ang pangarap na bituin parin ang siyang masusunod
Nagbabakasaling maabot ng hangaring nagbubuklod
Kahit konting pagtingin tatanggaping nalulugod
Ngayon tala ayy nanunuod bukas sila ay luluhod
Manalig parang pari, hiraya manawari,
Kung lumuha man atlis ako ay nagbaka sakali
Gawin pangbanlaw sa putik pag-ahon kung maari
Pagtapos ng unos lumalabas ang bahaghari
Bawat detalye di mapapansin
Minsan asukal ayun pala ay asin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Uhhh, Yeah
Dami ng mali sakin lagi bumabalik
Sa pagpapakabait eto ba laging balik
Masyadong mataas naba ang aking napanhik
Oo lahat ay babagsak pero hindi na babalik
Pa sa sahig akoy di magsasawang tumindig
Kakalikutin ko ang utak hanggang sa may matulig
Kung gusto magsalita handa ako na makinig
Tanging sarili lang dapat ang iyong napapabilib
Di na rookie ako ay veteran
Galawang "tuss" you can't fool me son
Nandirito lang para sa cheese, hindi to parmesan
Ako'y walang kapares lakas ng toyo with extra chili on
Huwag masyadong seryoso minsan ay maglaro
Hindi na bago sa ganito sanay na mabigo
Kung di mo maabot tumungtong ka lang sa bangko
Pinanganak para manalo parang eskimo
Bawat detalye di mapapansin
Minsan asukal ayun pala'y asin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Di sasayangin inyong panalangin
Bawat bulong niyo sa hangin ang aakay sa akin
Writer(s): Mark Alex Candog
Lyrics powered by www.musixmatch.com