Listen to Samin Lang Naman (feat. Jray, Apoc the Death Architect & Ernest) by Madd Mark

Samin Lang Naman (feat. Jray, Apoc the Death Architect & Ernest)

Madd Mark

Hip-Hop/Rap

Lyrics

Ito'y samin lang naman Pwede rin dagdag kaalaman Bumabagabag ang tanong Nais kong maipamalas Kung ano ba ang baong Sagot sa pagiging patas Pag mayaman ka sipsip sila Mistulan ng inahas Pag mahirap ka tingin nila ay panget ang dinanas Napasilip gang nakita mga tao na nagsisi-gasig Na bumida at palaging namimilit Nanatili sa pag husga ng ehemplo na napili Respeto daw wala namang respeto sa sarili Sa pag gising kaen tulog Naidulot ay bangungot At ang punot dulo ay pugot na ulo lang nagpahintulot Mamaya nyan mamayaman Hangad manlamang handang mang api Kada halalan naglalabanan Yung naglalaban ay magka-kampi Tinanggap ang pagpanggap doon sila Naka kahon kasi hindi lahat ng naghugas kamayay nagsabon Bawat adhikain nila malikhain sa paghain ng pagkain pag palarin ay wala rin na maamin Kung san galing yan ay sakin lang naman Sakin lang may tama o mali ba? Pag mayroon bang malisya, mali na? Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Mga lalaki manloloko mga yan Mga babae bano sa sasakyan Pag tattoo-an kriminal yan malamang At mga rapper puro pera ang alam Kasi ang dami diyan dila na matabil Mabilis na ipinta imahe mo sa papel Pero ingat sa paghusga mga sir Pagkat tinutukoy nyo ang sarili nyong karakter Repleksyon ang yong pagkakasala din Huwag ng tangkain ito rin ay salarin May kwento bawat isa bat di mo alamin Kapatid tumingin ka sa likod ng salamin Para mabuksan ang isipan na sarado At para makita mo sa bagong lente na mas klaro Pagkat yan ang dahilan bakit di tayo nag babago Pantayin ang pagtingin para maging makatao Sakin lang naman, malaman ang kabalatan Kung bakit ang nakakaraming tiyan, di nagkakalaman Ni walang mapalamanan, pumapayat ang kalamnan Habang bulsa niyoy nagsitabaan? tawag diyan! kawatan Ganun parin kalakaran Kailan ba ang kabayaran? Puro kababaglaghan Sukduluan ang kasaaman Kailangan ng mahadlangan Pakiusap pamayanan Tigil kahangalan! sa ganyang pamahalaan! Daming kaguluhan, rinig bulong bulungan Ng mga walang kahulugan tunog dunong dunungan Imbis na taumbayan sarili pinag tutuunan Barang bara na lalamunan di pa ba nabubulunan Gayun pa man, huwag pairalin kaduwagan Kahit hindi ka kumibo, pwede kang akusahan Anu pa man, alamin buong kasukatan Bawat panig ay silipin kung may katunayan Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman) Samin lang samin, Samin lang (Yun ay samin lang naman)
Writer(s): Ernest Macaspac Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out