Lyrics

Kumusta ka na? Miss na kita Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa Oh, kumusta ka na? Kay tagal na Ikaw pa rin ba 'yung katulad noon? Kamusta ka na? Kumusta? Kay tagal nating hindi nagkita Parang alasais ng gabi, anong balita? Sumasakit ang tuhod, kaya mo pa bang sumipa? Baga na bakal, pero nagkaroon din ng hika Naaalala mo pa ba no'ng nananaginip ka nang gising? Humiling sa t'wing mag-isa Magaling, magaling, 'yan ang sabi nila Bituing maningning ay mabibilang ka Pero pa'no batang probinsyano? 'Di naman ako pinanganak na areglado Pero tinaguyod kami kahit na papa'no Ni Nanay at Tatay na ginawang Bus ang Eroplano Hanggang sa pinili ko ang rap nang walang pagpapanggap Hindi galing tate ang cap, kaya 'di ako matanggap Parang trabaho na in-apply-an, naglalakad sa Morayta, pare hiphop ba 'yan? (Hiphop) Ang gusto kong maging aking binantayan Kahit natutulog ay inasinta ko 'yan, mga sinilungan at mga natambayan Kung mayro'n mang nalampasan ay ating balikan (ating balikan) Kumusta ka na? Miss na kita Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa Oh, kumusta ka na? Kay tagal na Ikaw pa rin ba 'yung katulad noon? Kamusta ka na? Hiram na sapatos at damit, maluwag o masikip Ang madalas na bago lamang sa akin ay gupit Paulit-ulit, sige, tawagin mo 'kong makulit Kahit na sungitan ay nananatiling mabait At magalang sa kausap, opo, sige, okay lang Kahit ang kapeng pinapa-inom sa 'kin matabang Tula na isinulat, matagal na pinaghandaan Ako na po ba? Kaso lang, minamaya-maya ka lang Dagdagan ang diskarte kasi, kasi kulang ang pamasahe Talagang malas kasi nakatapak pa ng tae Kung kapos ang 'yong baong pera, pati pantalon Limang daan lang ang kinita mo sa show, ayos lang 'yun Tapos Swelas ay nganga, galingan mo, kulang pa Mas sikat sila at magaling, marami pang iba 'Di nagpatinag kahit ano man ang sabihin nila Ang nasa bulsa ay ako lang ang may dala-dala Gusto kong maging binantayan Kahit natutulog ay inasinta ko 'yan Mga sinilungan at mga natambayan Kung mayro'n mang nalampasan ay ating balikan (ating balikan) Kumusta ka na? Miss na kita Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa Oh, kumusta ka na? Kay tagal na Ikaw pa rin ba 'yung katulad noon? Kamusta ka na? Kumusta ka na? Miss na kita Ako nga pala si Gloc Naaalala mo pa ba? Ang lahat ng mga napagdaanan natin noon Mula dekada '90 hanggang umabot ngayon 2023, bumagal ang mabilis Kahit pa yabangan mo ako'y 'di na maiinis 'Di na sumasali sa debate, wala nang interes Sa usapan na kung sino ang the best (hiphop)
Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out