Music Video

Gary Granada - Bilin (Official Lyric Video)
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gary Granada
Gary Granada
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Gary Granada
Gary Granada
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Ivory Music & Video, Inc.
Ivory Music & Video, Inc.
Producer

Lyrics

Kung iyong mamarapatin Dinggin ang tanging pamana Mga mumunting habilin Ng isang kaibigan at ama Habang maaga'y matutunan Ang mamuhay nang payak Habang marami kang kailangan Ang bagaheng bumibigat Ang nag-iisang dila Dapat ay may isang salita Totoo ang pagpapala Galing sa totoong gawa Kung tutuusin ay kay dalas na banggitin Lumang mga salawikain Kung tutuusin ay kay daling intindihin Bakit parang kay hirap gawin? Marami ang nahihirapan Kakaunti ang marangya Kaya huwag kang magpakayaman Huwag ding magpakadukha At mag-ingat kang parati Sa mga taong marahas Maging sing-amo ng kalapati Ngunit sing-ilap ng ahas Laging marunong umunawa Lahat ay nagkakamali Patawarin ang iyong kapwa Pati na ang sarili Kung tutuusin ay di sa akin nanggaling Ang mga kasabihang ito Kung tutuusin ito ay para sa akin din Galing sa tatay ng tatay mo Gaya rin ng panaginip Pag-ibig ay nabibigo Damahin mo sa iyong isip At pag-isipan sa puso Huwag mong masyadong seryosohin At sisikip lang ang dibdib 'Di bawal ang masayahin Dito sa ibabaw ng daigdig Kung susukatin mo ang buhay Wala sa haba o ikli Basta't sikapin mong mabuhay Sa lahat ng sandali
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out