Lyrics

Naranasan mo na bang kagatin sa likod ng di nakatingin Ng isang kaibigang matalik ang turing, sarap sampalin Kumbinsido, ganadong makinig sa kwento ng aso Kabisado ko na kilos nyo, galawin mo ang baso Kaibigang oso, oo, ako yon Doding daga, sila yon Pag walang pakisama dapat ipakain sa leon Sumigaw ng pabulong Nagmura ng malutong Kahit anong ebas mo hindi na ako tutugon Yung mga taong kay tagal kong pinagtanggol Ni isa wala man lang nakiramay nung sya'y nasa ataol Di naman kayo lumpo Pero bakit napakabilis nyong kumilos Pag may nakahaing pera, dyan ako nagtatampo Marahil ang iba sa akin ay nababagalan Pero pano kang kikilos kung sikmura mo'y kumakalam Teka muna, teka lang Langgam lang ang may alam Ng tinatahak kong daan Normal lang na magalangan Lumakad pasulong habang pinapagpag balikat ko Nagulat, nanaginip ng dilat sa paraiso ko Isa, dalawa, walo, pagkabilang kong tatlo Nakatago na kayo, huling banat ko na 'to Hmmm Di ako nagmamalinis, pero medyo nakakainis Pagkatapos kang pakinabangan, sisiraan, uupakan Teka sakin wag kang magmamakinis Di ka na nakakatuwa, ano iyong napapala Kakangawa, di ba wala Ba't di ka na lang maglampaso para may magawa Di ko na inaasahang papakinggan mo tunog na 'to Dahil baka sabihin mo ikaw pinaparinggan ko Hindi ako ang klase ng tao na papatol sayo Wala akong panahong makipagtalo sa tulad mong gago Gusto ko nang magpagupit, ahitan nyo 'kong malupit Iukit sa anit ko ang salitang "di na ko uulit" Ayoko nang magkasaitan pa tayo ng paulit-ulit 'Tapon na pinagsamahan, wag na tayong makulit Kaibigang oso, oo, ako yon Doding daga, sila yon Pag walang pakisama dapat ipakain sa leon Sumigaw ng pabulong Nagmura ng malutong Kahit anong ebas mo hindi na ako tutugon Kaibigang oso, oo, ako yon Doding daga, sila yon Pag walang pakisama dapat ipakain sa leon Sumigaw ng pabulong Nagmura ng malutong Kahit anong ebas mo hindi na ako tutugon
Writer(s): Jeffrey Yumol Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out