Lyrics

Salamat, Salamat Musika (Gary Granada) "Agnes 'Nanette' M. Inventor" Paano mo patahimikin Ang isang bunsong iyakin Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin Paano mo patatahanin Ang pagtatampo ni Neneng Pasalamat ka't may awit na kakantahin Sa mga indayog tayo'y napapasayaw At sa labis na galak ay napapasigaw, wow Ang mga kirot sa puso ay lumilipad Ang mga mithi ay natutupad Salamat salamat musika Lahat ng panahon maasahan ka Salamat salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig Ang magagandang tanawin at mga tulang malamim Kukulangin din upang tayo'y aaliwin Aanhin ang kayamanang hindi madadala Aanhin ang kagandahang pansamantala, ha Ang katahimikan ba ay may nagagawa Upang ihayag ang nadarama Salamat salamat musika Lahat ng panahon maasahan ka Salamat salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla Salamat salamat musika Lahat ng panahon maasahan ka Itong munting mundo ay napapasigla Salamat musika, "Salamat" salamat musika Salamat musika
Writer(s): Granada Gary Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out