Top Songs By Gary Granada
Credits
PERFORMING ARTISTS
Gary Granada
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Gary Granada
Songwriter
Lyrics
Salamat, Salamat Musika
(Gary Granada)
"Agnes 'Nanette' M. Inventor"
Paano mo patahimikin
Ang isang bunsong iyakin
Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin
Paano mo patatahanin
Ang pagtatampo ni Neneng
Pasalamat ka't may awit na kakantahin
Sa mga indayog tayo'y napapasayaw
At sa labis na galak ay napapasigaw, wow
Ang mga kirot sa puso ay lumilipad
Ang mga mithi ay natutupad
Salamat salamat musika
Lahat ng panahon maasahan ka
Salamat salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla
Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip
Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig
Ang magagandang tanawin at mga tulang malamim
Kukulangin din upang tayo'y aaliwin
Aanhin ang kayamanang hindi madadala
Aanhin ang kagandahang pansamantala, ha
Ang katahimikan ba ay may nagagawa
Upang ihayag ang nadarama
Salamat salamat musika
Lahat ng panahon maasahan ka
Salamat salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla
Salamat salamat musika
Lahat ng panahon maasahan ka
Itong munting mundo ay napapasigla
Salamat musika, "Salamat" salamat musika
Salamat musika
Writer(s): Granada Gary
Lyrics powered by www.musixmatch.com