Listen to Distansya (feat. Muro Ami & 霏) by KOLATERAL

Distansya (feat. Muro Ami & 霏)

KOLATERAL

Hip-Hop/Rap

20 Shazams

Lyrics

(Hello) anak, naknakan ng pait Magtiis sa amo kong na malupit Mapanggiit na para sa lang sa 'yo Mabayaran para sa ating hiwalayan Kalingain, alagaan ang pamilyang 'di pamilya ko Kahit maghalo pa'ng balat sa tinalupan Basta't may patutunguhan ang katas ng pawis at dugo Sana 'wag mo sinasayang, sana'y wag mong hahayaang Lumaking katulad ko ang 'sang katulad mo 'Di malimot ang mga luha mo Gapos ng iyong munting braso sa aking binti Pinipigil ang hikbi, hinihilang 'wag na lumayo 'Di mabubura sa bangungot ko Ang tanong sa 'yong mata "sino nang matitira? May nagawa bang masama? Ba't kailangan ma-abandona?" Oo iniwan ka iyong ama Pero kailanman hindi ng iyong ina Pangako ito'y pansamantala, uwi ako agad Nanangis ka't nakiusap, 'wag kang sumalangit Dito ka lang sa lupa para 'to sa 'yo kaya paalam na Para sa pangarap na ginhawa Tiniis ko itong distansya Upang sa gabi makatulog kayo (mahimbing) Mainit na pagkain sa lamesa Sakripisyong tiniis na hindi kayo kasama Kumusta na kayo? Kumusta na kayo? (Para sa ginhawa) Kumusta na kayo? Kumusta na kayo? Anong pinagka-iba ng mapagsamantalahan dito at d'yan? Dito may sweldo Gusto ko nang umuwi pero 'di mabuti Balita sa amin, kelan darating pagbabago? Kamusta na anak? Kamusta pag-aaral? Kamusta si bunso? Bakit tila tumutumal? Tila tumatamlay tawagan nati't pag-uusap Wag magtampo, please, parang-awa, pakiusap Anong bago anak? Naku mag-ingat ka diyan Balita ko sa atin may tinira na naman Anak,nandiyan ka pa ba? 'Wag mo, please, sabihing nawala ka na Humalik sa sahig para pakawalan Ng amo, lumipad libing mong dinatnan 'Di 'to pagbabago nais kong uwian Pa'no naging tulak ang may kapansanan Yayakapin kita kahit na duguan ka pa Tulad nang ikay bagong silang ko pa lang Hugas kamay silang nagsasabi Na binoto ko to wala nang bawian Para sa pangarap na ginhawa Tiniis ko itong distansya Upang sa gabi makatulog kayo (mahimbing) Mainit na pagkain sa lamesa Sakripisyong tiniis na hindi kayo kasama Kumusta na kayo? Kumusta na kayo? (Para sa ginhawa) Kumusta na kayo? Kumusta na kayo? Kumusta na? Ayos pa ba? (Para sa ginhawa) Ang buhay natin, buhay pa ba? Buhay pa ba? Kumusta na? (Para sa ginhawa) (Para sa ginhawa)
Writer(s): Christian Earl Valenzuela Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out