Top Songs By KOLATERAL
Credits
PERFORMING ARTISTS
KOLATERAL
Performer
COMPOSITION & LYRICS
BLKD BLKD
Songwriter
Lyrics
Sa nagbabagang balita:
Umabot sa 81 katao ang patay sa loob ng apat na araw nang dahil sa
'One-time-Big-time' operations ng pulisya sa Metro Manila.
Magkakasabay na operasyon sa ilalim ng Oplan Tokhang ang isinagawa sa
Quezon City, Bulacan, Manila, at Caloocan.
Mula sa Sitio Gitanang-Araw,
Isa sa mga apektadong komunidad, narito si BLKD, nag-uulat
Halos tatlumpung libo, halos tatlumpung libo
Mga bangkay na bunga ng kontra-drogang pasismo
Putak ehekutibo ay putok sa mga sitio
Pangako kilo-kilo, tinitira piso-piso
Lampas-limang libo, lampas limang libo dito mula
Sa mga opisyal na operasyong parang dula
Higit dalawampu't tatlong libo naman
Mga bangkay na pagkamatay iniimbestigahan
Ano pa man ang kategorya, magaling man ang maniobra
May simpleng katotohanang dapat tumatak sa memorya
Ang halaga ng buhay walang sukatan
At anumang hindi masukat hindi matutumbasan
Karamihan sa kanila mga breadwinner pa
Naiwang mag-anak delubyo ang iniinda
Maraming nagkawatak-watak, mga anak walang patnubay
Kaya 'di lang mga pinatay inagawan ng buhay
Ilang dam, ilang dam, ilang dam ba ng dugo
Ang kailangan para droga sa bayan ay masugpo?
Ilan bang, ilan bang, ilan bang henerasyong
Pagdaramdam at poot ang susunog sa nasyon?
Tayo'y walang bilang sa mga hari-harian
Kaya 'di mabilang-bilang mga pinag-iinitan
Mga pananagutan pa'no makakalkula
Kung isang bangkay pa lang, 'di ba't dapat sobra na?
Halos tatlumpung libo, halos tatlumpung libo
Mga bangkay na bunga ng kontra-drogang pasismo
Putak ehekutibo ay putok sa mga sitio
Pangako kilo-kilo, tinitira piso-piso
Ano pa man ang kategorya, magaling man ang maniobra
May simpleng katotohanang dapat tumatak sa memorya
Ang halaga ng buhay walang sukatan
At anumang hindi masukat hindi matutumbasan
Pa'no masusuma ang kalabisan?
Pa'no masusuma ang kabawasan?
Pa'no masusuma ang karahasan?
Pa'no masusuma ang pasan-pasan?
Lyrics powered by www.musixmatch.com